Close

WHO chief: Bakuna, di sapat para matigil ang pandemic

Sponsor ads


Inihayag ng head ng World Health Organization (WHO) na hindi sapat ang bakuna lang para agad matigil ang coronavirus pandemic.

Mababatid na aabot na sa mahigit 54 million sa buong mundo ang natatamaan na ng COVID-19 habang 1.3 million na buhay na ang nawawala.

Ayon kay director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus, ang bakuna ay magko-complement lang sa ibang mga tools na mayroon umano ngayon laban sa COVID-19, pero hindi ito magiging replacement.

Sinabi pa ni Tedros na ang supplies ng bakuna ay pansamantalang ire-restrict, kung saan ang mga health workers, matatanda at risk populations ang ipaprayuridad.