Close

WHO, pinag-aaralan kung ligtas ang COVID vaccines sa mga bata

Sponsor ads


Pinag-aaralan na ng World Health Organization, kung ang coronavirus vaccines ay ligtas ba at epektibo para sa mga menor de edad na 16-taong gulang pababa.

Ayon kay Dr. Rabindra Abeyasingh, hindi kasi kasama sa WHO clinical trials ang mga bata dahil sa mababang risk ng naturang sakit sa kanila.

Maliban dito, mahalaga rin umano na matiyak na ang bakuna ay ligtas na gamitin para sa mga adults, bago ito isubok sa mga bata.

Dagdag ni Abeyasingh, matatagalan pa bago makakuha ng datos ang WHO kaugnay sa inoculation sa mga bata.

Kaugnay nito, nakikipag-coordinate na ang WHO sa vaccine manufacturers, academe, at sa mga research partners.