Close

WHO, nagbabalang tataas ang COVID-19 death toll sa Europe

Sponsor ads


Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na mahaharap ang Europe sa tumataas na bilang ng mga mamamatay sa COVID-19 pagdating ng autumn o taglagas.

Ito ay kasabay ng pagtala ng WHO ng record-high daily infections sa buong mundo.

Kabilang ang bansang Israel sa mga bansang lumalaban sa bagong pagsipa ng COVID-19 cases kaya naman nagpatupad ng tatlong linggong lockdown noong Biyernes.

Mayroong naitalang 307,930 bagong COVID-19 cases worldwide ang WHO noong Linggo, pinakamataas na figure mula nang pumutok ang pandemya sa China noong nakaraang taon.

Ayon kay WHO Europe director Hans Kluge, mas magiging mahirap ang laban kontra sa virus at sa Oktubre o Nobyembre, mas maraming nakikitang mamamatay.