Close

Volleyball games sa UAAP, tuloy sa kabila ng banta ng 2019-novel coronavirus

Sponsor ads


Sa kabila ng mga pagbabago sa schedule ng iba't-ibang sporting events dahil sa banta ng COVID-19 o dating kilala sa tawag na 2019-novel coronavirus, ay itutuloy pa rin ng liga ang volleyball tournaments nito sa Sabado.

Ayon kay UAAP Executive Director Atty. Rebo Saguisag, all systems go pa rin ang mga gaganaping laro at nakahanda sila na harapin ang anuman sitwasyon.

Sinabi rin ni Saguisag na committed ang liga sa pagtitiyak sa kaligtasan ng lahat ng student-athletes, coaches, at ng iba pang opisyal.

Matatandaan na nauna nang nag-postpone ng indefinitely ang National Collegiate Athletic Association ng mga laro para sa juniors tournament nito.

Inanunsyo rin ng Philippine Sports Commission noong nakaraang linggo na hindi muna idadaos ang ilang events nito tulad ng National Sports Summit at Philippine National Games.