Close

Volcanic ash, naging ladrilyo sa Biñan, Laguna

Sponsor ads


Ginamit ng lokal na pamahalaan ng Biñan City ang volcanic ash na ibinuga ng Bulkang Taal nitong mga nakaraang araw para lumikha ng mga ladrilyo.

Sa Facebook video na ibinahagi ni Mayor Arman Dimaguila ay makikita ang mga ladrilyo na lumalabas mula sa isang makina sa Biñan, Laguna.

Ibinahagi rin ng alkalde ang mga kuha nitong larawan ng mga ladrilyo.

Sa caption ay sinabi ni Dimaguila na isinasako nila ang mga abo upang tiyakin na hindi mababara ang kanilang mga kanal, at pagkatapos ay ginagawa nila itong mga ladrilyo.