Close

Visa restrictions, ipinataw ng US sa China kasunod ng uighur issue

Sponsor ads


Pinatawan ng visa restrictions ng Estados Unidos ang mga Chinese officials na sangkot sa pang-aabuso sa Muslim population sa China o ang tinatawag na Uighurs.

Ito ay matapos ang desisyon ng US na i-blacklist ang nasa 28 Chinese organisations na akusado sa mga pang-aabuso sa Xinjiang region.

Ayon kay US Secretary of State Mike Pompeo, naglunsad ang Chinese government ng isang "highly repressive campaign".

Ito'y dahil maliban sa pag-aabuso sa Uighurs, inaabuso rin umano ng China ang ethnic Kazakhs, Kyrgz Muslims, at iba pang minority Muslim groups sa China.

Kabilang dito ang mass detentions sa internment camps, high-tech surveillance, draconian controls sa cultural at religious expression, at panghhikayat sa mga ito na bumalik mula sa ibang bansa.

Una nang itinanggi ng China ang mga alegasyon na ito na wala umanong basehan.

Giit ni Chinese foreign ministry spokesman Geng Shuang, walang nagaganap na kahit anong human rights issues.

Ang mga akusasyon umanong ito ay pagtatangka ng US na mangialam sa internal affairs ng Beijing.