Close

Viral videos sa socmed, hindi pinagsisisihan ni John Lloyd

Humingi na ng paumanhin ang aktor na si John Lloyd Cruz sa mga video niya na nag-viral sa social media kamakailan.

Ang naturang mga video ay kuha mula sa four-day vacation nila ng aktres na si Ellen Adarna, kasama ang ilan pang mga kaibigan sa Virgin Island, Sta. Fe sa Bantayan Island, Cebu.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post ng maiksing mensahe si John Lloyd kung saan nito sinabi na "diz iz mi learning."

Kasunod na nito ang paghingi ng paumanhin ng aktor bagama't hindi direktang sinabi kung para saan ang kanyang pagso-sorry.

Pero sa kabila ng pagso-sorry nito ay wala naman umanong pinagsisisihan si John Lloyd sa kanyang mga ginawa.

Mababatid na nitong weekend lang ay kumalat ang ilang Instagram stories ng kaibigan ni Ellen na si Doreen Ting na siyang nag-upload ng mga videos ni John Lloyd na tila lasing, habang kumakanta, sumasayaw at kung anu-ano pa ang mga ginagawa kasama si Ellen.

Ang mga video ay nag-expire na sa IG stories pero mabilis naman itong na-screen shot ng mga netizens at agad na ipinost sa iba't ibang social media sites.