Close

Villar at Poe, patuloy na nangunguna sa official count ng Comelec

Sponsor ads


Patuloy ang pangunguna nina re-electionist Senators Cynthia Villar at Grace Poe sa senatorial race ng partial at official count ng National Board of Canvassers na binubuo ng mga chairman at commissioners ng Commission on elections.

Kagabi, 11:52 a.m. ay lumampas na sa 10-milyong boto ang nakuha ni Villar habang si Poe naman ay nagtala ng 9.1-million na boto.

Nasa ikatlong pwesto si dating special assistant to the president Christopher "Bong" Go sa nakolekta niyang 10.4-million na boto, sinundan siya ni Taguig City Rep. Pia Cayetano na nakakuha ng 8.4-million na boto.

Nanatili naman sa ikalimang pwesto si dating police chief Ronald Bato dela Rosa sa kanyang mahigit 8-million votes.

Kabilang naman sa mga kukumpleto sa top 12 ay sina: Sonny Angara, Imee Marcos, Lito Lapid, Francis Tolentino, Koko Pimentel, JV Ejercito, at Nancy Binay.

Ang mga kandidato naman na posible pang makahabol ay sina Bam Aquino, Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

1. Cynthia Villar (10,416,332)
2. Grace Poe (9,151,162)
3. Christopher ‘Bong’ Go (8,549,086)
4. Pia Cayetano (8,417,229)
5. Ronald ‘Bato’ dela Rosa (8,025,527)
6. Sonny Angara (7,699,782)
7. Imee Marcos (7,157,978)
8. Lito Lapid (6,607,637)
9. Francis Tolentino (6,552,739)
10. Koko Pimentel (6,220,434)
11. JV Ejercito (6,079,028)
12. Nancy Binay (5,949,885)
13. Bam Aquino (5,722,776)
14. Bong Revilla Jr. (5,677,321)
15. Jinggoy Estrada (4,696,167)