Close

Villar, Binay, Cayetano, Go, nagsumite na ng SOCE

Sponsor ads


Sina Senators Nancy Binay, Cynthia Villar, at Senators-elect Pia Cayetano at Christopher "Bong" Go ang mga unang winners na naghain ng kanilang Statement of Campaign Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec).

Noong June 11 inihain ng 12th Senator na si senadora Binay ang kanyang SOCE pati na ang nanguna sa karera sa pagka senador na si senadora Villar.

Ipinasa naman ni Cayetano ang kanyang SOCE kahapon habang humabol ngayong araw si Go.

Kahit na ngayong araw June 13 ang deadline ng Comelec sa paghahain ng SOCE, pinapayagan pa rin ng batas ang mga nanalo noong May 2019 polls na ipasa ang kanilang SOCE within 6 months mula noong sila'y iprinoklama.

Mababatid na noong May 22 iprinoklama ang mga nanalo sa national positions.

As of 12:10 kanina, 18 candidates na sa pagka senador ang naghain ng kanilang SOCE.

Pag nabigo ang mga kumandidato na magpasa ng SOCE, pagmumultahin sila ng mula P6,000 hanggang P10,000 depende sa posisyon.