Close

Vigil, isinagawa ng supporters at pamilya ni Revilla

Sponsor ads


Nagsagawa ng vigil ang pamilya at supporters ni dating senador Ramon Bong Revilla jr, sa bisperas ng promulgation ng kaso nitong plunder.

Pinasalamatan ng anak ni Revilla na si Gianna ang mga supporters na nagsagawa ng vigil sa compound nila sa Bacoor, Cavite kagabi.

Bukod kay Gianna ay umattend din sa misa ang kanyang tita na si Bacoor councilor Rowena Bautista-Mendiola.

Sinabi naman ni Gianna na nagpapahinga na ang buong pamilya nila at naghahanda na para sa mangyayari ngayong araw habang ang kanyang kapatid na si Cavite vice governor Jolo Revilla ay may sakit.

Tiniyak naman ni Gianna na magiging present sa Sandiganbayan ang buo nilang pamilya mamaya kasama ang kanyang ina na si Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla at mga kapatid.

Mababatid na malalaman na mamaya kung makakalaya o makukulong si Revilla sa oras na ibaba na ng anti-graft court ang kauna-unahang desisyon nito sa isang kaso na may kinalaman sa pork barrel scam.

(Photo: GMA News)