Close

Vietnam nangangamba sa COVID-19 outbreak

Sponsor ads


Nangangamba ang Vietnamese government dahil nakaamba ang isang COVID-19 outbreak sa kanilang bansa.

Ito ay matapos na magtala ng ilang COVID-19 infection ang lungsod ng Da Nang.

Ayon kay Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuan Phuc, posibleng kumalat ang coronavirus sa lahat ng probinsiya at lungsod sa kanilang bansa dahil ang Da Nang ay isa sa kanilang mga panungahing travel destination.

Sa kasalukuyan, isinara na sa turista ang lugar at ito ay isinailalim sa mahigpit na lockdown.

Kung maaalala, walang naitalang kahit isang kaso ng COVID-19 sa Vietnam sa loob ng ilang mga linggo bago ang panibagong outbreak. - GLENN PARUNGAO