Close

Vietman, nahaharap sa 'alarming shortage' ng qualified nursing care workers

Sponsor ads


Nahaharap ang Vietnam sa alarming shortage ng qualified nursing care workers para sa matatanda.

Ayon sa mga health experts, karamihan sa mga elderly people ay inaalagaan ng knailang mga kamag-anak o domestic helpers nang maliit lang ang medical expertise.

Nabatid na ang Vietnam ay kabilang sa five fastest-aging countries sa mundo.

Sa kasalukuyan, mayroong 10.1 million elderly people sa naturang bansa kung saan 11 percent ito sa kabuoang populasyon.

Ayon kay Dr Nguyen Trung Anh, deputy director ng National Geriatric Hospital, karamihan ng mga elderly ay nahaharap sa chronic diseases at nangangailangan ng lifelong treatment, tulad ng high blood pressure, stroke, diabetes, cancers at asthma.

Maliban dito ay may ilan din nakakranas ng Alzheimer, malnutrition at depression.