Close

Video ng Thai football team sa ospital, inilabas na

Sponsor ads


Inilabas na ang video ng mga batang miyembro ng football team habang nagpapagaling sa ospital matapos silang ligtas na mailabas mula sa isang kweba sa Thailand.

Makikita sa video na nakaface mask ang ilan sa mga bata at naka hospital gowns na naka-peace sign o victory sign sa camera.

Isinasailalim ngayon sa medical evaluation ang buong football team at isang linggong naka quarantine habang anim na buwan silang daraan sa psychological monitoring.

Posibleng tinamaan ng pneumonia ang dalawa sa grupo habang may injury sa paa ang isng miyembro.

Nasa dalawang kilo o 4.4 lbs ang nawala sa timbang ng mga bata at kanilang coach dahil sa ilang linggo nilang kalbaryo pero nasa mabuting kondisyon naman ang mga ito at walang sign ng stress.

Pinayagan nna ang mga magulang na makadalaw sa ospital pero bawal pa ang physical contact para makaiwas sa impeksyon.

Mababatid na nailabas ng ligtas ang 12-member "Wild Boars" football team kasama ang kanilang coach mula sa Tham Luang cave kung saan sila mahigit dalawang linggong na-trap.

Sinabi naman ni Rescue mission chief Narongsak Osottanakorn na walang dapat sisihin sa pagkawala ng mga bata sa kweba dahil mga bata ang mga ito na mahilig mag explore at itinuturing nila itong aksidente.