Close

Victory parade ng Lakers ipinagpaliban dahil sa COVID-19

Sponsor ads


Walang magaganap na victory parade sa Los Angeles sa kabila ng pagkakasungkit ng Lakers ng kanilang ika-17th NBA Championship.

Ito ay dahil sa umiiral na moratorium kung saan pinagbabawalan ng Los Angeles county ang large gatherings dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

Subalit sa kabila ng kautusan hindi napigilan ang aabot sa 2,000 katao na matipon-tipon sa Staples Center kahapon ng talunin ng Lakers ang Miami Heat sa Game 6, 106-93.

Batay sa report aabot sa 76 indibidwal ang inaresto ng mga police dahil sa vandalism, unlawful assembly at failure to disperse.

Magugunitang naging sentimental ang kampeanato ng Lakers matapos nitong i-alay ang naturang titulo kay NBA legend Kobe Bryant at sa anak nito si Gigi na nasawi sa isang helicopter crash nito lamang Enero.