Close

Vicki Bello, ibinuyag ang pinagdaanan nila ni Hayden noong kasagsagan ng isyu sa video scandal

Sponsor ads


Ibinahagi nina Vicki Belo at Hayden Kho sa tell-all interview ang ilan sa mga sensitibong topic sa kanilang relasyon katulad na lamang ng video scandal noong 2009, at kung paano sila naghilom pagkatapos ng isyu.

Sa vlog ni Toni Gonzaga, ay sinabi ni Vicki na alam na niya ang tungkol sa video scandal noong December 2008 bago pa man lumaki ang isyu at sa katunayan ay umabot pa sa apat na buwan ang kanilang hiwalayan noon ni Hayden.

Noong una ay pinaniwalaan pa ni Bello noon si Hayden nang itanggi nito na meron video scandal ngunit dumating sa punto na napanuod niya na rin ito.

Kalaunan ay sinubukan umano ni Hayden kitilin ang sariling buhay matapos niyang malaman ang tungkol sa balak ni Bello na hiwalayan.

Ibinahagi ni Vicki na umabot rin sa 3 araw na hindi nagising si Hayden, at base noon sa EEG nito ay makikita ang very low brainwave energy.

Binalaan pa siya ng doktor noon na posibleng malagay sa vegetative state o coma si Hayden kung magising man ito.

Sa ikatlong araw ay himalang nagising si Hayden at wala naman anya naging problema.

Ibinunyag ni Vicki na namolestya si Hayden noong kabataan nito at maging ang mga magulang nito ay walang alam sa nangyari.

Ipinunto ni Vicki na napatawad na rin niya si Hayden dahil naniniwala siya na mabuti itong tao ngunit may mga problema lang ito noon na hindi nito maproseso ng mabuti.