Close

Vice ganda inalok na tumakbo sa pagkasenador

Sponsor ads


Maraming mga sikat na artista ang napili nang manilbihan sa bayan, at ang iba naman ay hinihimok na ring tumakbo katulad ng komedyanteng si Vice Ganda.

Kwento ni Vice Ganda, isang partido ang nag-alok sa kanyang tumakbo bilang senador dahil kung sakaling siya ay kumandidato, sure win na umano ito.

Wala namang direktang naging sagot si Vice Ganda kung tatanggapin ang alok at nagbiro na lamang na tatakbo siya bilang presidente.

Kung sakali umanong manalo siya sa pagka-pangulo, patunay lang umano ito na hindi nag-iisip mabuti ang mga Pilipino kung sino ang karapat-dapat na maupo sa pwesto.

Ayon kay Vice, "Pag nanalo ako, isa lang ibig sabihin nu’n, sira-ulo talaga kayong lahat! Wala talagang kakwenta-kwenta ang mga bumoboto sa Pilipinas."

Biro pa niya, matagal na siyang tumatakbo, bilang isang kabayo na tila pang-asar sa kanyang sarili.