Close

Vice Ganda, nakalikom ng halos P900,000 para sa 'Fundkabogable' project

Sponsor ads


Inanunsyo ng komedyante na si Vice Ganda na umabot na sa halos P900,000 ang nalikom nitong pera mula sa kanyang donation drive para sa mga biktima ng bagyong Ulysses.

Sa huling update ni Vice sa "transparency report" sa kanyang "Fundkabogable" project na sinimulan niya noong weekend, ay makikita ang breakdown ng P875,775.59 mula sa iba't-ibang donation channel.

Sinabi ni Vice na nanatiling bukas para sa karagdagang donasyon ang kanyang Fundkabogable project.

Matatandaan na sinimulan ni Vice ang sarili nitong donation drive matapos niyang ibahagi ang kanyang karanasan sa hagupit ng bagyong Ulysses.

Naikwento ni Vice na nagbabakasyon siya sa Polillio, Quezon nang unang mag-landfall ang bagyo sa bisinidad.

Inihayag ng komedyante na talagang nakakatakot ang kanyang karanasan dahil nandoon sila sa mismong mata ng bagyo.