Close

Vice Ganda, humingi ng saklolo kay Yorme para palayain ang mga demostrador ng Pride rally

Sponsor ads


"Saklolo Yorme."

Ito ang isinulat ni Vice Ganda sa gitna ng kanyang paghingi ng tulong kay Manila Mayor Isko Moreno para mapalaya ang Pride month demonstrators, na naaresto dahil sa paglabag sa COVID-19 protocols.

Ipinost ni Vice Ganda, ang kanyang apela sa pamamagitan ng Twitter, kung saan mayroon siyang halos 14 million followers.

Kaugnay nito, binatikos rin ng TV host ang pag-aresto sa mga LGBT sa pamamagitan ng pagkuwestiyon sa sinasabi ni Mayor Moreno noong nakaraang taon na ang kanilang lungsod ay LGBTQIA+ friendly.

Sinundan naman ito ng komedyante ng likes kay Miss Universe winner Catriona Gray, na nagpahayag rin laban sa naturang pag-aresto.

Matatandaan na noong Biyernes nang arestuhin ang mga ilang raliyesta sa Pride march sa Mendiola dahil sa umano'y paglabag sa quarantine rules.