Close

Vice Ganda, emosyunal na ipinagdiwang ang Father's Day

Emosyunal na ipinagdiwang ng comedian-host na si Vice Ganda ang Father's Day.

Sa Instagram na lamang ibinuhos ni Vice ang nararamdamang kalungkutan at sinariwa ang alala niya sa kanyang ama.

Labis ang panghihinayang ng comedian dahil wala man lamang siyang naitabing kahit isang larawan ng kanyang ama.

Sinabi ni Vice sa kanyang instagram post na: "Naiinggit ako. Nalulungkot ako Dahil wala akong naitagong picture namin ng Tatay ko gusto kong makita ng lahat ang itsura nya gusto kong sabihin nyo na 'Ay yan pala ang Tatay ni Vice! Gusto kong makita nyo ang ngiti nya kaya lang wala."

Ang ama ni Vice ay isang barangay captain na nabaril noong 1991. | Jasmine Cruz