Close

Veteran actor Menggie Cobarrubias, pumanaw sa edad na 68

Sponsor ads


Pumanaw na ang beteranong aktor na si Domingo "Menggie" Cobarrubias sa edad na 68.

Kinumpirma ng asawa ng aktor na si Gina Jorge Cobarrubias ang malungkot na balita sa isang Facebook post.

“Goodbye my love. Thank you for 30 wonderful years. I love you. Dear God please give me the strength to be able to face this very difficult moment of my life,” madamdaming mensahe ni Gina.

Nag-post din sa social media ang pamangkin ni Menggie na si Patricia Prudon at ibinunyag na COVID-19 ang ikinamatay ng kanyang uncle.

Mababatid na ilan sa mga naging huling mga proyekto ni Cobarrubias ay ang teleseryeng "Make It with You" at pelikulang "Last Fool Show".

Maliban sa kanyang karera sa showbiz, nasa automative industry din si Cobarrubias.