Close

Veteran Actor dismayado sa “new normal” schemes sa showbiz

Sponsor ads


Dismayado ang beteranong aktor na si Tommy Abuel sa inilabas na guidelines ng Inter-Guild Alliance Protocols at ng Film Development Council of the Philippines hinggil sa “new normal” schemes sa showbiz.

Pangunahin na dito ang probisyon hinggil sa vulnerable workers: “A. For any person below twenty-one (21) years old, more than sixty (60) years old, or of any age with co-morbidities or pre-existing illness, i.e., hypertension, diabetes, cancer, or with immunocompromised health status; or with a high-risk pregnancy, producers are highly discouraged from allowing these workers to work on-set.”

Nangangahulugan ito na marami na sa kanila na mga senior citizens ang hindi na makakapagtrabaho na oras na puwede na uling magkaroon ng mass gathering.

“Barya-barya na nga lang ang kinikita namin, mawawalan pa kami ng trabaho. Maawa naman kayo sa amin. Lalo pa ngayong kailangang-kailangan namin,” pahayag ni Abuel.

Naniniwala ang aktor na discriminatory ang nasabing guidelines dahil hindi aniya magkakapareho ang lahat ng mga artista na may malalaking talent fee kaya’t tiyak aniyanh maaapektuhan nito ng malubha ang kanilang hanapbuhay.