Close

Velasco, ayaw nang makinig sa mga reklamo ni Villafuerte re: 2021 natl. budget

Sponsor ads


Binigyang diin ni House Speaker Lord Allan Velasco na ayaw na niyang makinig sa mga reklamo ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte tungkol sa P4.5-trillion national budget para sa 2021.

Sinabi ito ni Velasco matapos sabihin ni Villafuerte na meron insertions sa 2021 national budget at sumasali umano ang dating kongresista na si Rolando Andaya sa deliberasyon ng pambansang pondo.

Ayon kay Velasco, nauunawaan niya kung hindi na tumigil sa kakatalak si Villafuerte mula nang magsimula ang laban.

Iginiit ni Velasco na united na ang mababang kapulongan ngayon matapos matanggal sa pwesto si dating Speaker Alan Peter Cayetano.

Itinanggi naman ni Velasco na nagpapartisipa si Andaya sa mga deliberasyon ng pambansang pondo.

Binigyang diin naman ni Velasco na constitutional ang naipasang budget base sa desisyon ng Korte Suprema na nagbabawal sa pork barrel.

Mababatid na pinayagan ng House of Representatives ang mga miyembro nito na magpasa ng individual ammendments sa General Appropriations Bill hanggang October 19, kahit naipasa na ito sa huli at ikatlong pagbasa noong Biyernes.

Sa ngayon ay iginiit ni Velasco na pinag-aaralan nila kung paano tutugunan ang tinawag nito bilang "inequitable" infrastructure budget allocations para sa mga distrito.// RAMAK KOWSARI