Close

Vapes at e-cigar bawal na rin

Sponsor ads


Ipagbabawal na ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng vapes at e-cigarette sa mga pampublikong lugar alinsunod sa Administrative Order 2019-0007.

Ayon kay Undersecretary Eric Domingo , kamakailan ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabawal sa pagsisigarilyo sa mga pampublikong lugar sa buong bansa ngunit saklaw lamang nito ang tradisyunal na sigarilyo na gawa sa tabako.

Sa tulong ng AO, mapapabilang na sa smoking ban ang vapes at e-cigarettes.

Ang mga ito ay nagtataglay rin ng nicotine na mayroong masamang epekto sa kalusugan.

Nilagdaan na rin ni Health Secretary Francisco Duque III ang naturang AO noong June 14.

Epektibo ito dalawang linggo matapos mailathala sa national publication.