Close

Valenzuela City, naitala ang 1st case ng COVID-19

Sponsor ads


Kinumpirma ng Valenzuela City Health Office na mayroon nang isang kaso ng coronavirus disese sa lungsod.

Ang pasyente ay isang 34 anyos na babaeng walang travel history pero na-expose sa isang taong nagtungo sa Malaysia.

Nakakaranas ngayon ng flu-like symptoms ang pasyente at nakasailalim sa istriktong home quarantine alinsunod sa guidelines ng health authorities.

Sinasabing nagpakonsulta ang babae sa isang ospital sa Maynila matapos magkaroon ng sore throat at lagnat.

Dahil dito, nagsagawa na ng contact tracing ang mga local health authorities sa mga taong posibleng nakasalamuha ng pasyente.

Mababatid na kasalukuyang nasa 202 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa, 17 na ang nasawi habang pito ang gumaling mula sa virus.