Close

VP Leni, kailangan ng 'space' para makapagtrabaho

Sponsor ads


Ipinunto ng Malacañang na kailangan ni Vice President Leni Robredo ng space para magawa nito ang kanyang trabaho.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na oras na sumali ang Bise Presidente sa police operations, ay ma-e-expose ito sa mga totoong nangyayari sa ground at pagkatapos ay mapaplano na nito kung paano siya magtatagumpay sa kanyang trabaho.

Una nang sinabi ni Panelo na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maintindihan ni Robredo na ang mga napapaslang sa drug war ay dahil sa panlalaban ng mga agents ng illegal drug trade sa istriktong enforcement ng batas.

Kung maalala ay tinanggap ni Robredo ang appointment sa kanya ni Duterte bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Kabilang sa mga nais isulong ng Bise Presidente ay ang zero killings sa kampanya na kumitil na sa buhay ng halos 5,800 drug users at pushers mula nang maupo sa kapangyarihan si Duterte nooong 2016.