Close

VP Leni, bumisita sa Batangas

Sponsor ads


Binisita ni Vice President Leni Robredo ang mga residente ng mga bayan ng Sta. Teresita at San Jose sa Batangas upang mamahagi ng food packs at dust masks sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Laman ng mga ipinamahaging donasyon ang kilo-kilong bigas, mga delata, at instant noodles.

Sa pagbisita ng Pangalawang Pangulo ay nalaman niya na nangangailangan rin ang mga residente na pansamantalang nakatira sa mga evacuation centers ng gamot, hygiene kits at portalets.

Nagpasalamat naman ang opisina ng Pangalawang Pangulo sa mga Angat Buhay partners na nagbigay ng mga donasyon at tumulong para maihatid ang mga ito sa nangangailangan.

Ipinunto rin ng opisina ng pangalawang pangulo na saludo ito sa lokal na pamahalaan ng San Jose at sa mga volunteers na nagpakita ng dedikasyon at katapatan para maibangon ang mga residente sa krisis.