Close

VCO trial results, inaasahang mailalabas sa 2nd week ng Nov.- DOST

Sponsor ads


Inanunsyo ng Department of Science and Technology na inaasahan nitong mailalabas sa ikalawang linggo ng Nobyembre ang mga resulta ng clinical trials sa efficacy o bisa ng virgin coconut oil laban sa COVID-19.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato dela Peña, sisimulan na nila ang pag-analisa sa mga nakuha nilang datos sa mga susunod na araw.

Sinabi ni dela Peña na umaasa sila na mas mabilis na gagaling ang mga pasyente na nabigyan ng VCO kumpara sa mga hindi nabigyan nito.

Sa nasabing clinical trials ay layon ng DOST na magkaroon ng 45 pasyente na maaring mabigyan ng pagkain na may halong VCO at 45 iba pa na walang VCO para makumpara ng researchers ang resulta.

Samantala, sinabi ni dela Peña na dumadalang na ang dating ng mga pasyente sa Philippine General Hospital.

Ipinunto ng kalihim na noong isang araw ay isang pasyente lang ang kanilang nakausap, at tumanggi pa ito na mag-volunteer.// RAMAK KOWSARI