Close

Utah, tinalo ang Celveland sa 117-87 na score

Sponsor ads


Umayat ang record ng Utah Jazz sa 7-4 ngayong season matapos nitong manalo sa laro kontra Cleveland Cavaliers sa score na 117-87.

Nanguna sa puntos si Donovan Mitchell na nakapagtala ng 27 points, habang sinundan naman ito ng Fil-Am guard na si Jordan Clarkson na nakapagrehistro ng 21 markers, 8 rebounds, at 4 assists.

Samantala, naharang naman ng Indiana Pacers ang Golden State Warriors sa pagkamait sana sa three-game win streak nito nang magtapos ang kanilang laro sa 104-95.

Nakalayo ang Pacers mula sa Warriors sa tulong ng late scoring sa ikaapat na quarter na pinangunahan nina Myles Turner at Aaron Holiday.

Nagtala si Turner ng 22 points sa loob ng 41 minutong aksyon habang nagtala naman ng double digits ang 5 iba pang miyembro ng Pacers.