Close

Unoccupied housing units sa Rizal, meron nang mga may-ari - NHA

Sponsor ads


Nilinaw ng National Housing Authority na ang mga bakanteng bahay na tinangkang okupahin ng Kadamay at Montalban Homeless Alliance sa Rodriguez, Rizal ay meron nang mga may-ari.

Sinabi ito ng kinatawan ng NHA sa South Luzon na si Susana Nanato na personal pa na pumunta sa housing projects na nakalaan para sa uniformed personnel sa nasabing lugar.

Ayon kay Nanato, na-award na ang 700 na bahay sa mga sundalo at pulis, nataon lang anya na walang nakaokupa sa mga bakanteng bahay dahil nadestino sila sa malalayong lugar o hindi pa sila nakakalipat.

Dagdag ni Nanato, alam ng NHA ang tungkol sa Joint Resolution 2 na iginigiit ng mga militante pero masusunod lang ito kung hindi nag-asikaso ng papeles ang mga awardees.

Makikita naman sa mga bakanteng pabahay ng gobyerno na karamihan dito ay nilalagyan na ng mga bakod at nalinis na rin ang loob kahit wala pang mga pinto ito o bintana.

(PHOTO FROM: NATIONAL HOUSING AUTHORITY WEBSITE)