Close

Unang pagkatalo, nauwi ng Philippine Team

Matapos nga ang magandang laban ng Team Philippines kontra Romania sa buenamanong game nito ay nakatikim na rin sila ng pagkatalo para sa FIBA 3x3 World Cup tournament sa Nantes, France.

Ito ay matapos silang tambakan ng host country sa iskor na 22-11 kaninang umaga.

Umpisa pa lang ay mainit na mainit na ang laro ng France.

Sa mahigpit na depensa ng host ay talagang naputol ang momentum ng mga Pilipino.

Maganda ang play nina Dominique Gentil at Charles Bronchard na nagpaulan ng kabi-kabilang two pointers.

Sinubukan pa ng Pilipinas na putulin ang agwat sa pamamagitan ng tres ni Kobe Paras sa huling 7:15 ng laro.

Sa kasalukuyan, 1-1 na ang win-loss card ng team Philippines.

Bago nga ito ay naipanalo ng ating koponan ang unang laban kontra Romania sa iskor na 21-15.
#
(FIBA Photo)