Close

Unang COVID-19-releated death, naitala sa Los Baños Laguna

Sponsor ads


Naitala ng bayan ng Los Baños sa Laguna ang kauna-unahan nitong kaso ng pagkamatay dahil sa COVID-19.

Ayon kay Los Baños Mayor Caesar Perez, pumanaw ang isang 69-anyos na lalaki habang hinihintay nito ang resulta ng kanyang pagpapasuri.

Sinabi ng alkalde na ang nasabing lalaki na nag positibo sa COVID-19, ay may travel history sa mga simbahan sa Metro Manila, partikular na sa Quiapo at Baclaran.

Tiniyak naman ni Perez na isinailalim na sa quarantine ang mga miyembro ng pamilya ng pasyente habang na-disinfect na ang kanilang bahay.//RAMAK KOWSARI