Close

Unang COVID-19 case sa Myanmar, naitala

Sponsor ads


Sa kauna-unahang pagkakataon ay naitala ang isang COVID-19 positive sa bansang Myanmar.

Ayon sa ulat, isang 36-anyos na lalake mula sa kanilang bansa ang may travel history sa Estados Unidos at isang 26-anyos na lalaki galing sa United Kingdom ang mga unang positive cases sa kanilang bansa.

Sila ay mula sa 214 katao na isinailalim sa unang bugso ng COVID-19 testing.

Kaugnay nito, hinimok ng mga mamamayan ng Myanmar ang kanilang pamahalaan na agad tugunan ang ulat upang hindi na lumala ang pagkalat ng virus.