Close

UST standouts Nonoy at Cuajao lilipat ng La Salle

Sponsor ads


Kinumpirma ni De La Salle Green Archers head coach Derrick Pumaren ang paglipat sa kanila nina ni University of Sto. Tomas standouts Mark Nonoy at Deo Cuajao.

Ayon kay Pumaren inaayos na lamang nila ang papeles para sa paglipat nito ng eskwelahan.

Sinabi ni Pumaren na malaking bagay para sa kanila si Nonoy bilang kapalit ng nag-graduate na si Aljun Melecio.

Si Nonoy ay hinirang bilang Rookie of the Year ng UAAP Season 82.

Samantala sa pamamagitan ng kanyang twitter account nagpaalam na rin si Cuajao sa UST community.

Pinasalamatan nito ang lahat ng suporta at mga natutunan sa naturang unibersidad.

Nadiskubre ang galing ni Cuajao sa PBA D-League matapos humakot ng average 17.5 points sa kanyang 56.3% three-point shooting sa kanyang paglalaro sa UST.

Magugunitang sunod-sunod ang paglipat bakod ng mga player ng UST Mens Basketball team matapos ang kontrobersiyal na Sorsogon bubble.