Close

UST, wagi sa knock-out game kontra FEU

Sponsor ads


Nagwagi ang University of Sto. Tomas sa laro kontra Far Eastern University sa score na 81-71.

Dahil dito ay uusad na ang Growling Tigers sa UAAP Season 82 men's basketball tournament semis kung saan ay makakatapat nito ang University of the Philippines na may twice-to-beat advanctage.

Nagawa ng Tamaraws na makalapit sa kalamangan ng UST sa score na 70-65 sa pamamagitan ng run nito sa pagsisimula ng final period.

Sa huling 1:29 ay naipasok ni Renzo Subido ang tira nito na nagbigay sa UST ng kumportableng kalamangan sa score na 78-65.

Bumawi naman si Ken Tuffin ng FEU sa pamamagitan ng kanyang 3-point shot, limang segundo lamang matapos ang tira ni Subido.

Sinundan pa ito ng isa pang tres ni Xyrus Torres na nagbigay sa Tamarraws ng pagkakataon na makahabol sa huling 39 seconds.

Nagkaroon pa ng pisikalan sa laro na dahilan upang parehong matawagan ng unsportsmalike foul sina Alec Stockton at Brent Paraiso.

Sa pamamagitan naman ng freethrows nina Zach Huang at Paraiso ay naselyohan ay narating ang final score ng laban.

Mababatid na makakatapat ng Ateneo sa Finals ang mananalo sa Semis game ng UP at UST.