Close

US Pres Trump piniling makasama ang ilang sundalo sa Thanksgiving Day

Sponsor ads


Mas pinili ni United States Donald Trump na makasama ang mga sundalo sa pagdiriwang ng Thanksgiving Day.

Kaya naman surpresang binisita ni Trump ang mga tropa ng militar sa Afghanistan.

Partikular na pinuntahan ng US president ang Bagram Airfield sa Kabul.

Dito ay sinabi ni Trump na magsisimulang muli ang pakikipag-usap sa Taliban insurgents.

Naghanda naman ang US president ng Turkey bilang hapunan ng mga sundalo.

Mababatid na ang Turkey ang karaniwang inihahanda tuwing Thanksgiving Day.