Close

US, muling ipapatupad ang 'tough, unilateral sanctions' vs Iran

Sponsor ads


Muling magpapatupad ang United States ng mas mabigat, unilateral sanctions laban sa Iran at ibabalik ang malupit na penalties na tinanggal sa ilalim ng historic, multi-party nuclear agreement na inabandona ni President Donald Trump noong Mayo.

Ang una sa dalawang rounds na sanction ng US ay ipinatupad kaninang alas 12:01 ng umaga (0431 GMT), kung saan target dito ang access ng Iran sa US banknotes at key industries, kabilang na sa mga sasakyan at carpets.

Dahil dito, agad na naramdaman ng mga Iranians ang epekto ng naturang sanctions, matapos na halos kalahati ang nawala sa value ng rial currency simula noong inanunsyo ni Trump ang pagwithdraw nito mula sa 2015 nuclear accord.

Kaugnay pa nito, pinatutsadahan ni Trump ang agreement at tinawaga nitong “horrible, one-sided deal" na bigong makamit ang fundamental objective na pagharang sa lahat ng access sa Iranian nuclear bomb.

Ang withdrawal ng unilateral ay nangyari sa kabila ng pakiusap ng ilang parties sa agreement tulad ng Britain, China, France, Germany, Russia at EU na huwag abandonahin ang pact na layong harangin ang Iran na makabili ng nuclear weapon