Close

US, malamig sa panawagang paggamit sa social media vs terorismo

Sponsor ads


Tumanggi ang America na makiisa sa Christchurch Call for Action na pinangunahan ng New Zealand at France para mahikayat ang mga tech companies at mga bansa na magtulong-tulong para matuldukan ang paggamit ng social media sa terorismo.

Ayon sa White House, bagamat hindi sila sumasali, suportado naman nila ang overall goals ng panawagan.

Una nang inanunsyo ang panawagan nina New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern at French President Emmanuel Macron sa isang pulong ng digital leaders para sa G7 nations sa Paris.

Matatandaang inalis ng social media na Facebook ang 1.5 million videos ng pag-atake sa Christchurch sa loob ng 24 oras kasunod ng massacre kung saan umabot sa 51 ang namatay.