Close

US, magpapataw ng bagong sanctions vs Russia

Sponsor ads


Inanunsyo ng Estados Unidos na magpapataw sila ng panibagong sanction sa Russia matapos na malamang gumamit ang Moscow ng nerve agent laban sa dating Russian agent at anak nito sa Britain.

Ito ay kasunod ng ulat na natagpuang walang malay si Sergei Skripal, dating colonel ng GRU military intelligence service ng Russia kasama ang kanyang 33 anyos na anak na si Yulia sa isang bench sa southern English city ng Salisbury noong March matapos na lagyan ng isang liquid form ng Novichok type na nerve agent ang pintuan ng kanyang bahay.

Ayon kay State Department spokeswoman Heather Nauert, nalamang ang Russia ang gumamit ng checmical o biological weapon na labag sa international law, o gumamit ng lethal chemical o biological weapons laban sa kapwa nila Russians.

Magiging epektibo umano ang panibagong sanction sa August 22.

Dalawa umano ang tranche ng sanctions, kabilang ang ban sa pagbibigay ng lisensya na mag-export ng sensitive security goods sa Russia.