Close

US, gumagastos ng $640-M sa herbal, food supplement

Inanunsyo ngayon ng US' Government Accountability Office (GAO) ang malaking pondong inilalaan ng bawat US citizen sa mga dietary supplements para sa pagpapatalas ng kanilang memorya.

Ayon sa report, tinatayang nasa $643-million umano ginagastos ng malaking bilang ng US population para sa naturang mga food at herbal supplements, na umano'y "growing market" ngayon sa Amerika.

"Memory supplements -- dietary supplements claiming to improve memory -- are a growing market, with sales estimated at USD643 million in 2015, almost double 2006 sales."




Napag-alaman din na karamihan sa mga patotoo tungkol sa magandang epeko ng paggamit ng food supplement ay kanilang nalaman mula sa internet.

"About 96 percent of marketing identified appeared on the Internet, and a total of 490 memory supplement products were identified by the market review," dagdag pa sa report.