Close

UP, UST research: COVID-19 cases, lolobo pa sa 150k sa Agusto 31

Sponsor ads


Nakikita ng mga researchers mula sa University of the Philippines at University of Santo Tomas na papalo pa sa 150,000 ang kaso ang coronavirus sa 3,000 deaths pagdating ng August 31.

Ayon sa UP OCTA Research Team, ang posibilidad ng naturang scenario ay sa ilalim ng kasalukuyang anti-COVID measures, kung saan ang less effective implementation ng general community quarantine (GCQ) ay maaring magdulot ng karagdagang 20,000 kaso pataas.
Mababatid na as of July 31, pumapalo na sa 93,354 ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa 2,023 deaths.

Kaugnay nito, tinukoy rin ng mga reseachers ang epicenters at high-risk areas ng pandemic ang Metro Manila, Cebu at Calabarzon, kasama ang Laguna; Cavite; Rizal; Bulacan; Negros Occidental; Davao del Sur (kabilang ang Davao City) at Zamboanga del Sur.

Samantala, medium-risk areas naman umano ang Batangas; Quezon; Camarines Sur; Pampanga; Pangasinan; Bohol; Iloilo province; Leyte; Davao del Norte; Lanao del Norte at Misamis Oriental.