Close

UNHRC resolution, welcome sa minority senators

Sponsor ads


Welcome sa minority senators ang adoption ng United Nations Human Rights Council sa resolusyong naghihimok na magsagawa ng comprehensive review sa kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, ang nasabing review ay mahalaga para matigil na ang malawakang pagpatay sa mga drug suspects.

Giit ng senador, nagpapasalamat sila sa 18 sovereign nations na nagpapahalaga sa buhay ng tao at nagpahayag ng sincere concern sa human rights situation sa Pilipinas.

Sa pamamagitan umano ng resolusyon ay nabibigyan ng ilaw ang mga pamilya at kaibigan ng mga inosenteng tao partikular na ng mga batang namatay sa ngalan ng war on drugs campaign.

Senyales umano ito na hindi sila nag-iisa sa kanilang laban sa pagkamit ng hustisya.

Dagdag pa ni Drilon, dahil signatory ang Pilipinas sa International Convention on Civil and Political Rights, Human Rights, kailangang makipagtulungan ang gobyerno rito at wag lamang isantabi dahil mandato nating kilalanin ang treaty obligations.

Mababatid na una nang sinabi ni senadora Leila De Lima na ang resolusyon ay hudyat ng paghahanap sa mga dapat managot sa human rights violation sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.