Close

UN Drug War Probe, labas sa kapangyarihan ni VP Leni - spox

Sponsor ads


Labas sa kapangyarihan ni Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs ang isyu sa ipinapanawagang imbestigasyon ng United Nations sa drug war ng gobyerno.

Ito ang binigyang-diin ng tagapagsalita ni Robredo na si Attorney Barry Gutierrez sa harap ng apela ng mga kritiko na manghimasok na ang UN sa madugong kampanya ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Gutierrez, ang pinakamabisang tugon sa mga kritisismo, sa loob man o labas ng bansa nagmumula ay ang pagtitiyak ng pamahalaan na transparent ito sa mga ginagawang hakbang.

Wala rin aniya sa mandato ng ICAD ang usapin sa foreign relations ngunit makikipag-ugnayan sa government agencies si Robredo partikular sa DFA habang si Pangulong Rodrigo Duterte naman ang principal architect ng foreign policy.

Gayunman, mananatili umano ang paninindigan ni VP Leni pagdating sa pagrerekomenda ukol sa lebel ng transparency na dapat ipatupad.

Kabilang sa tututukan ni Robredo ay ang pagpapabilis sa imbestigasyon laban sa mga pulis na sangkot sa patayan sa ilalim ng drug war.