Close

UFC president: McGregor tumutok lang muna sa MMA, at hindi kay Pacquiao

Sponsor ads


Naniniwala si UFC president Dana White, na mas maganda na lumaban muna si dating two-division UFC world champion Conor McGregor sa mixed martial arts sa ngayon.

Ayon kay White, hindi dapat sayangin ng Irish mixed martial arts superstar ang kanyang peak na lumaban sa ibang sport.

Giit ni White, darating naman umano ang panahon para sa pangarap ni McGregor na makalaban ang mga target nitong boksingero.

Bagama't lumutang ang usap-usapan na posibleng showdown sa pagitan nina Manny Pacquiao at McGregor noong nakaraang taon, ang susunod na laban ng MMA fighter ay mangyayari sa loob ng octagon, kontra kay Dustin Poirier sa UFC 257 sa January 24 sa Etihad Stadium, Yas Island, Abu Dhabi.

Para sa UFC president, bagama't suportado nito ni McGregor para sa money fight kay Pacquiao, ay posible umanong sa 2022 pa ito mangyayari.