Close

UFC belt ni Khabib mananatili sa kabila ng 'riot'

Sponsor ads


Hindi na tatanggalan ng kanyang championship belt si Khabib Nurmagomedov sa kabila ng nangyaring riot sa pagtatapos ng laban nila ni Conor McGregor sa UFC 229.

Ayon kay UFC president Dana White ito ay kahit pa mapagdesisyunan ng Nevada State Athletic Commission na i-ban si Khabib sa pagpasimuno nito sa nangyaring kaguluhan.

Patuloy naman ini-imbestigahan ng NSAC ang insidente habang naka-hold pa rin ang aabot sa $2 million fight purse ng tinaguriang 'The Eagle'.

Samantala mismong ang ama ni Khabib na si Abdulmanap Nurmagomedov ay hindi masaya sa inasal ng kanyang anak pagkatapos ng laban na nagresulta sa riot.

"I will impose a punishment tougher than the UFC's, I warned him. For me, discipline comes first." ani ng matandang Nurmagomedov.

Kahapon nagkaroon naman ng pulong ang mag-ama kasama si Russian President Vlademir Putin kung saan pinaki-usapan nito ang tatay ng undefeated fighter na maghinay-hinay lang ng pagbibigay parusa sa kanyang anak.