Close

U.S.A, ibabandera ni LeBron sa 2020 Tokyo Olympics

Sponsor ads


Pasok ang 2-Time Gold Olympic Medalist at 3-Time Olympian LeBron James sa hanay ng 44 na NBA basketball superstars na pagpipilian ng basketball powerhouse na USA sa 2020 Tokyo Olympics.

Makakasama ni LeBron sa 44-Man Finalists sina NBA Supertar at MVP Stephen Curry, Kevin Durant, Paul George, Kawhi Leonard at James Harden.

Ayon sa USA Basketball, 9 na miyembro ang bubuo sa tatawaging “USA DreamTeam” na ipapadala sa Tokyo ngayong taon.

Nakatakdang isapinal ang listahan ngayong Marso, 4 na buwan bago pormal na simulan ang quadrennial sporting event nalalahukan ng mga pinakamagagaling na manlalaro sa buong mundo.

Nakatakdang magbukas ang Olympics sa July 24 at matatapos August 9, 2020. //Robert Dela Vega

Photo:USA-B