Close

U.K., balak tapusin ang inoculation ng adults sa July para sa pagpapaluwag ng COVID-19 restrictions

Sponsor ads


Nagako ang pamahalaan ng United Kingdom na matuturukan ng unang dose ng COVID-19 vaccine ang bawat adult sa katapusan ng July habang hinahanda ang unti-unting pagpapaluwag ng lockdown sa England.

Sinabi ni Prime Minister Boris Johnson na balak nilang pabilisin ang kanilang inoculation campaign kung saan ay iaalok ang unang dose ng bakuna sa mga tao na nasa kanilang 50s o higit pa sa kalagitnaan ng Abril.

Sa orihinal na plano sa ilalim ng kauna-unahang vaccination campaign sa mundo ay dapat mabakunahan ang mga indibidwal na nasa kanilang 50s sa May habang ang lahat naman ng adults sa Setyembre.

Ayon kay Johnson, kapag natapos ang pagtuturok ng bakuna sa adults sa katapusan ng July ay pwede na nila maisulong ang mga karagdagang hakbang sa pagpapaluwag ng mga restriksyon sa kanilang bansa.

Mababatid na ang Britain ay isa sa mga bansa na nakaranas ng matinding epekto ng COVID-19 pandemic kung saan ay nasa mahigit 120,000 na ang mga nasawi.

Ang U.K. rin ang kauna-unahang bansa na nagsimula ng mass vaccination campaign sa buong mundo noong Disyembre at sa ngayon ay nasa mahigit 17-million o one-third ng buong populasyon ng naturang bansa na ang naturukan ng first dose.