Close

Twins nila Charlene at Aga, graduate na sa Highschool

Sponsor ads


Wala mang graduation ceremony, ay nagdidiwang ngayon ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales dahil sa pagtatapos ng kanilang kambal sa High School.

Ipinaalala ni Charlene sa kanyang mga anak na sina Atasha at Andres na ang kawalan ng graduation ceremony dahil sa global pandemic ay hindi nangangahulugan na mababalewala ang kanilang napagtagumpayan sa pag-aaral.

Iginiit ni Charlene na extremely proud sila ni Aga sa napag-tagumpayan ng kambal.

"Extremely excited" rin anya sila malaman kung ano ang mga bagay na pagdadaanan pa nila Atasha at Andres sa buhay.

Sinabi rin ni Charlene na habambuhay maalala ng mga tao ang special graduation ng Class of 2020.