Close

Tukey, nagsimula nang umatake sa Syria

Sponsor ads


Nagsimula na ang Turkey sa pag-atake sa north-eastern Syria.

Kasunod ito ng pag-alis ng United States sa kanilang mga sundalo.

Iginiit naman ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan na ito ay para sa plano nilang pagbuo ng safe zone at malinis ang mga Kurdish militias na kumakandong ng mga Syrian refugees.

Dagdag pa niya, nais nilang magkaroon ng kapayapaan sa lugar at maiwasan ang kaguluhan sa kanilang border.

Mababatid na ilang pagsabog na ang naitala sa border ng bayan na Tal Abyad at Ras al-Ain.