Close

Tugade sa DOTr officials: Magsumite ng SALNs sa anti-corruption task force

Sponsor ads


Ipinag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa lahat ng heads ng mga ahensya na nasa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) at iba pang opisyal na isumite ang kanilang individual Statement of Assets, Liabilities, and Net worth (SALN) sa anti-corruption task force na pinamumunuan ng Department of Justice (DOJ).

Ang direktiba ay para sa mga chief-of-staff, secretaries, executive assistants, at mga kasama sa project management at procurement.

Ayon kay Tugade, inatasan niya ang kanyang itinalagang grupo at point person na magrereview sa SALNs ng lahat ng DOTr officials na ikumpara at ipakita at sabihin umano sa kanya kung anuman ang kanilang makita na dapat mabigyan ng pansin.

Kabilang pa sa direktiba ng kalihim ay ang comparison ng submission para sa tatlong periods ng SALN, upang makita kung mayroong substantial difference sa pagitan ng mga periods na ito.

Sinabi naman ni Tugade, na nasa 128 DOTr personnel ang natanggal mula sa serbisyo dahil sa grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of service, simula nang maupo umano siya sa naturang ahensya noong 2016 hanggang 2019.