Close

Tugade, binatikos sa pagkaso sa MRT riders re: Train woes

Sponsor ads


Binatikos ng militanteng grupo si Transportation Secretary Arthur Tugade dahil sa plano nitong kasuhan ang mga commuters dahil umano sa pagpupumilit at pakikipagsiksikan na makasakay sa Metro Rail Transit 3 (MRT 3) dahilan umano para unloading incidents.

Tanong tuloy Bayan secretary general Renato Reyes, bakit ang riding public ang makakasuhan dahil sa matagal nang problema sa MRT 3?

Giit ni Reyes, ang kakulangan ng mga gumaganang tren ang nagiging dahilan para sa publiko na maging desperado na makasakay.

Patutsada pa nito, bigo ang gobyerno na makapagbigay ng sapat, efficient at affordable mass transport.

Matatandaan na sa isang talumpati ni Tugade sa Pampanga, ipinag-utos nito sa pamunuan ng MRT 3 na maghain na ng kaso at manginil ng damages mula sa mga nagpupwersang makapasok at makasakay sa tren.